Sampung katao ang nasugatan sa pag-atake gamit ang machete sa isang vocational school sa Ostroleka, northeastern Poland.
Kabilang sa mga nasugatan ang limang estudyante, dalawang guro at dalawang bystander, gayundin ang 19-anyos na suspek na nagtamo rin ng sugat matapos saktan ang sarili.
Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek, na isa ring estudyante sa naturang paaralan, ilang minuto matapos ang insidente.
Siyam sa mga nasugatan ang isinugod sa ospital ngunit wala umano sa kanila ang nasa kritikal o life-threatening na kondisyon.
Bago lumikas, nagkulong muna sa kanilang mga classroom ang ilang estudyante upang protektahan ang kanilang sarili. Pansamantalang isinara ang lahat ng paaralan sa Ostroleka habang iniimbestigahan ang insidente.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pag-atake.











