--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng Bagabag, Nueva Vizcaya matapos masamsaman ng baril, magazine at mga bala sa Bintawan Norte, Villaverde Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ang Villaverde Police Station ng impormasyon hinggil sa isang lalaki na nag-iingat ng baril sa naturang lugar.

Tumugon ang mga kasapi ng police station at pinara ang motorsiklo na sinasakyan ng suspek na si Denver Noveno, 31 anyos, agriculturist 1 ng LGU Bagabag at residente ng Sta. Lucia, Bagabag Nueva Vizcaya.

Mayroon siyang dala na sling bag at camouflage duffle bag at nasamsam sa kanya ang isang Caliber 45 na may magazine at 7 na bala, customized airgun na may silencer at isa pang unit ng walther airsoft gun.

--Ads--

Dinala si Noveno sa himpilan ng pulisya matapos bigong magpakita ng mga dokumento ng hawak na baril.