--Ads--

Inanunsyo ng Malacañang ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon bukas, Agosto 6, dahil sa malalakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Maymay at Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa inilabas na abiso ng Palasyo, kabilang sa mga lugar na saklaw ng suspensyon ang Metro Manila, gayundin ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Laguna, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Ayon sa Malacañang, layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, kawani ng gobyerno, at publiko sa harap ng patuloy na masamang panahon.

Samantala, sinabi ng Palasyo na ang mga lokal na punong ehekutibo sa mga lugar na hindi saklaw ng direktiba ay maaari pa ring magdeklara ng suspensyon ng klase at trabaho sa kanilang nasasakupan alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran, at regulasyon.

--Ads--