--Ads--
Nagtapos sa draw ang laban ng Spain at Cape Verde sa kanilang opening match sa Group H. Ang resulta ay itinuturing na malaking sorpresa dahil isa ang Spain sa mga paborito sa torneo, habang unang beses namang lumahok ang Cape Verde sa FIFA World Cup.
Sa unang bahagi ng laro dominante ang Spain sa pag-atake ngunit hindi nila nabasag ang depensa ng Cape Verde.
Samantala, tabla rin ang resulta ng laban ng Belgium at Egypt para sa Group G sa score na 1-1.
Dahil sa tabla, nananatiling bukas ang labanan sa Group G, na kinabibilangan din ng Iran at New Zealand.
--Ads--
Sa kanilang susunod na mga laban sa Hunyo 21, haharapin ng Belgium ang Iran, habang makakatunggali naman ng Egypt ang New Zealand.










