Positibong kinilala ng mga awtoridad ang mga labi ng apat na Pilipinong nasawi sa magnitude 7.7 quake sa Myanmar sa pamamagitan ng DNA, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang naturang DNA samples ay ikinumpara sa DNA ng kani-kanilang kamag-anak ayon kay NBI Director Jaime Santiago.
Ang apat na biktima ay kasama sa gumuhong condominium building kung saan sila naninirahan sa Mandalay.
Iniulat na mahigit 3,000 tao ang nasawi noong Marso 28 sa naturang lindol na yumanig din sa katabing bansa na Thailand.
Matatandaan na sumampa sa higit 3,000 na katao ang nasawi sa tumamang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong Abril.
Ayon sa Embahada ng Myanmar sa Japan, umakyat na sa 3,003 ang nasawi dahil sa lindol habang nasa 4,515 ang naitalang sugatan at 351 ang nananatiling pinaghahanap.
Samantala, sa Thailand naman na tinamaan din ng malakas na lindol, nagpapatuloy ang paghahanap sa mga survivor sa mga naiwang gabundok ng debris mula sa gumuhong mataas na gusali na under construction sa capital ng Bangkok.
Gumamit na rin ang mga rescuer ng mechanical diggers at bulldozers para sirain ang 100 toneladang konkreto para matunton ang mga survivor.
Nag-iwan na ang lindol ng kabuuang 22 katao na nasawi habang 72 ang patuloy na nawawala sa Thailand.