--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos umanong magbigti sa Brgy. Sta. Monica, Echague, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Junnie Viba, 26 anyos, binata, laborer, at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap umano ng ulat ang Echague Police Station kaugnay sa pagpapatiwakal ng isang lalaki sa nabanggit na lugar.

Agad na tumugon ang mga kasapi ng Echague Police Station sa naturang lugar para magsagawa ng pagsisiyasat subalit dinala na sa pagamutan ang nagpakamatay kung saan idineklara rin siyang dead on arrival.

--Ads--

Ayon sa pahayag ng magulang ng biktima, lagi umano nasa kanilang bahay si Junnie dahil sa nararanasang depresyon.

Sinasabing nagbigti si Junnie gamit ang lubid.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang lubid at ang suicide note ng biktima.