--Ads--

Kinuwestiyon ni Senador Ping Lacson ang evidentiary at probative value ng mga dokumentong iniharap ni dating Senador Antonio Trillanes kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lacson, bagama’t masusi at maayos ang naging presentasyon ni Trillanes, maaaring kwestiyunin ang halaga nito bilang ebidensiya dahil hindi malinaw ang pinagmulan ng mga dokumento at hindi ito iniharap sa pamamagitan ng mga opisyal na may kustodiya ng naturang mga rekord.

Idinagdag niya na maaari itong salubungin ng mga pagtutol mula sa depensa dahil ang nagprisinta umano ng mga dokumento ay hindi angkop na testigo upang patunayan ang pagiging tunay at pagiging katanggap-tanggap ng mga ito sa paglilitis.

Binigyang-diin din ni Lacson na ang mga alegasyong inilahad ni Trillanes sa isang press conference ay walang probative value sa impeachment trial hangga’t hindi ito naipapasok at nasusuri nang maayos sa loob ng impeachment court.

--Ads--