--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Newly Identified Drug Individual matapos na maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Oscariz sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang suspek ay si alyas Berto at siya ay naaresto matapos na positibong makabili ng isang pakete ng droga ang pulis na umaktong buyer kapalit ng halagang 500 piso.

Nakuha pa sa kaniyang pagiingat ang isang cellular phone na ginamit sa transaksyon.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Ramon Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--