--Ads--

Naaresto ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber .38 na baril at apat na bala sa isinagawang operasyon ngayong araw, Agosto 14, sa Barangay Palattao, Naguilian, Isabela.

Ang suspek ay residente ng Aurora, Isabela, na nakasaad sa receipt at inventory ng mga nakumpiskang ebidensya.

Bukod sa tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substance na pinaniniwalaang shabu, nakumpiska rin ang isang brown wallet, National ID, isang cellular phone at isang Yamaha Mio 125 motorcycle.

Isinagawa ng mga awtoridad ang pagmamarka at pag-iimbentaryo sa mga nakumpiskang gamit bilang bahagi ng dokumentasyon at pangangalaga sa mga ito bilang ebidensya.

--Ads--

Kasalukuyan namang inihahanda ng mga awtoridad ang kaukulang dokumentasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa suspek.