CAUAYAN CITY- Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang lalaking nagpatiwakal sa Barangay Victoria, San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station napag-alaman na nakatnggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen kuagnay sa naganap na pagpapatiwakal.
Anila naganap ang insidente tinatayang madaling araw ng Jan 5 kung saan kapatid mismo ng biktima ang nakakita sa katawan na nakabitin sa kanilang kusina gamit ang nylon at ibinaba nila agad ito subalit unresponsive na ang biktima.
Bago ang insidente napag-alaman na may hindi pagkakaintindihan ang biktima at misis nitong nasa ibang Bansa gayundin na pinagtatalunan umano ng mga ito kung kanino mapupunta ang kostodiya ng kanilang anak na walong taong gulang lamang.
Sa ngayon ang katawan ng biktima ay nakaburol na sa kanilang bahay.