--Ads--
Nakapagtala ng bagong Guinness World Record si Conor Shea ng Kentucky, Estados Unidos matapos mabuo ang laruang Mr. Potato Head habang nakapiring sa loob lamang ng 7.92 segundo.
Nalampasan niya ang dating rekord na 12.11 segundo na hawak ng German record-breaker na si Andre Ortolf.
Ayon kay Shea, layunin din ng kanyang rekord na magbigay ng kamalayan tungkol sa Usher Syndrome, isang genetic disorder na nagdudulot ng pagkawala ng pandinig at kalaunan ay pagkabulag.
Aniya, nais niyang patunayan na kaya ring makamit ng mga taong may ganitong kondisyon ang mga pambihirang tagumpay.
--Ads--











