--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki matapos mabangga ng isang van ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPPO) kinilala ang nasawing biktima na si Terence Ubera Padilla,  25- anyos at residente ng Tuao, Bagabag, Nueva Vizcaya habang ang tsuper naman ng van ay si  Marcial Andaya, 30-anyos, pastor at resident of Mountain Province.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Solano Police Station lumalabas na binabaybay ng parehong sangkot na behikulo ang pambansang lansangan sa magkasalungat na direksyon.

Nang makarating sa pinagyarihan ng insidente ay bigla umanong umagaw ng linya ang van na dahilan para aksidente nitong pabangga ang motorsiklo.

--Ads--

Nagresulta ang pangyayari para magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang parehong tsuper.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawang sangkot ngunit idineklarang dead on arrival si Padilla ng kanyang attending physician.