--Ads--

Nagtala ng bagong Guinness World Record ang isang 32-anyos na british matapos makakain ng 15 fish sticks sa loob lamang ng isang minuto.

Kinilala ang record holder na si Nathan Davies na nagpasyang subukang makamit ang naturang titulo matapos manalo ng mahigit $130,000 sa television game show na The 1% Club.

Pinili ni Davies ang fish sticks bilang hamon dahil mayroon na rin umano siyang karanasan sa iba’t ibang eating challenges.

Sa itinakdang isang minuto, matagumpay niyang naubos ang 15 fish sticks na naging dahilan upang makuha niya ang Guinness World Record para sa pinakamaraming fish sticks na nakain sa loob ng isang minuto.

--Ads--

Bagama’t aminado siyang kakaiba ang rekord na kanyang nakamit, ipinahayag ni Davies na ikinagagalak pa rin niyang maituring na isang Guinness World Record holder at naniniwala siyang mas marami pa sana ang kanyang nakain kung mas napalamig muna ang mga fish sticks bago isinagawa ang hamon.