--Ads--

Isang ultimate fan ng Marvel movies ang nakapagtala ng Guinness World Record para sa titulong “Most Marvel comic book characters tattooed on the body” matapos itong umabot sa kahanga-hangang bilang na 63.

Tinalo ng 40-anyos na si T.om Radford ang dating record na 34 tattoos na hawak nina Ryan Logsdon ng U.S at Rick Scolamiero ng Canada. Ayon kay Radford, nagsimula ang kanyang matinding pagkahumaling sa pagpapa-tattoo ng Marvel characters noong 2016 nang ipa-tattoo niya ang supervillain na si Thanos sa kanyang hita.

Kapag pinagsama-sama ang oras na kanyang ginugol sa pagpapa-tattoo ng mga Marvel characters, tinatayang umabot sa 350 hours o higit dalawang buong linggo. Gumastos din siya ng humigit-kumulang £18,000 o katumbas ng 1.4 million pesos para sa kabuuan ng kanyang mga tattoo.

Naging bahagi rin ng kanyang body art ang pagkikita nila ng mga aktor na sina Josh Brolin at Elizabeth Olsen sa isang Comic-Con event noong 2024, kung saan ipina-tattoo rin niya mismo ang kanilang mga autograph o pirma.

--Ads--

Ginawa rin ito ni Radford bilang regalo sa sarili para sa kanyang 40th birthday. Ayon pa kay Radford, nakahanda raw siyang dagdagan pa ito sa susunod na taon upang mas lalo pang itaas ang pamantayan ng nasabing world record.