Dinakip ng pulisya ang isang lalaki matapos umanong magbenta ng ilegal na droga bandang alas-8:00 kagabi, Abril 27, 2026 sa kahabaan ng Provincial Road sa Purok 2, Barangay Fuyo, City of Ilagan, Isabela.
Kinilala ang suspek sa alyas na “John,” 46-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Cabisera 14-16 sa nasabing lungsod.
Isinagawa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng Ilagan City Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO2, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Narekober mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang droga na tumitimbang ng 0.1 grams na nagkakahalaga ng P680, kasama ang P1,500 buy-bust money, P4,275 na personal na pera ng suspek, lighter, at isang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.











