--Ads--

Apektado rin ang larong mobile legends sa pagban ng Estados Unidos sa Social media platform na Tiktok.

Dahil sa nasabing ban, naapektuhan ang Moonton Games na nagdevelop ng Mobile Legends at ang mga players na naglalaro sa North America ay mawawalan na ng access sa laro hanggang hindi mai-lift ng US Government ang ban.

Kapag nasa North American server ay hindi na maaccess pa ang Mobile Legends Bang Bang. Magdudulot naman ito ng pagkadrain ng gaming scene sa naturang laro sa nasabing Region. Sa kasalukuyan, ilan sa mga kilalang mga magagaling na North American server players sina Michael “MobaZane” Cosgun, Ian “FwydChickn” Hohl, at dating MSC 2022 champion Nathanael “Nathzz” Estrologo.

Naglabas naman ng official statement ang Moonton sa Reddit at sinabing kasalukuyan na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa isyu.

--Ads--