--Ads--

Ibinahagi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na ang bagong lunsad na nationawide Legislative Hearing o LegisHear ay hango sa nasimuan nito sa lalawigan ng Isabela noong siya ay Gobernador pa lamang ng lalawigan.

Ang LegisHear ay isang nationwide public consultation program na layong dalhin ang Kongreso sa iba’t ibang komunidad upang marinig ang hinaing at mungkahi ng mga mamamayan sa pagbuo ng mga batas.

Ayon kay Speaker Dy, isa nang practice sa Isabela ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan para sa mga programa ng lalawigan, isang halimbawa rito ang Farmers’ Conggress kung saan binibisita nila ang lahat ng musipalidad upang malaman ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Ito ang nais niyang ipagpatuloy ngayon sa Kongreso sa pamamagitan ng LegisHear. Sa pamamagitan nito ay naririnig ang opinyon at sentimyento ng iba’t ibang sektor sa mga isinusulong na batas ng kongreso bago maaprubahan.

--Ads--

Magiging batayan din aniya ang mga ito kung anong mga batas pa ang maaaring isulong depende sa problemang ilalapit ng publiko sa kongreso.

Ang LegisHear ay inilunsad sa Echague, Isabela nitong Hulyo 31 at inaasahang magpapatuloy at isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.