Naniniwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kayang gampanan ng Senado ang dalawang tungkulin nito bilang Impeachment Court at bilang sangay ng lehislatura.
Ayon kay Dy, hindi magiging hadlang ang paglilitis sa impeachment upang maisagawa ng mga senador ang kanilang tungkulin sa paggawa ng mga batas, lalo na sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Lunes, Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak din ng lider ng Kamara ang pakikipagtulungan ng House of Representatives sa Senado sa pangunguna ni Senate President Sherwin Gatchalian upang maisulong at mapahusay ang mga natitirang panukalang batas.
Sinabi ni Dy na layunin nilang makapagpasa ng mga batas na tutugon sa pangangailangan ng publiko, magpapagaan sa buhay ng mga Pilipino, at makatutulong sa pag-unlad ng bansa.










