--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinimulan na ang pag-aayos sa drainage canal sa San Fermin Cauayan City bilang paghahanda sa posibleng malalakas na pag-ulan na mararanasan sa lungsod.

Matatandaan na ilang ulit na rin idinulog ng mga residente mula sa Purok 1, San Fermin, partikular sa papuntang airport ang naturang problema sa pagbaha na kadalasan umano’y humuhupa lamang ang tubig sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Renato Agustin,  sinabi niya na matapos ang sunod sunod na reklamo ng mga residente ay maisasaayos na rin ang canal dahil kasalukuyan ngayong ginagawa ang drainage sa Provincial Road.

Sa katunayan aniya ay matagal na nila itong plano ngunit hinintay lamang ang construction ng provincial road.

--Ads--

Ramdam naman aniya nilang mga opisyal ng barangay ang dinaranas na problema ng kanilang mga kababayan lalo na tuwing mayroong malalakas na pag-ulan na nararanasan.

Dahil kasi aniya sa pagbaha ay pumapasok sa paaralan at trabaho ang mga residente na putik-putik ang kanilang mga sapatos at maging pantalon.

Dahil dito ay inaaksyonan naman na aniya ang problema at pinaghahandaan na rin ang posibilidad ng malalakas na pag-ulan.