--Ads--
Libo-libong residente ng Ceuta, Spain ang nagprotesta laban sa umano’y mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa migrant crisis.
Naganap ang protesta matapos ang malaking pagdagsa ng migrants mula Morocco noong Hulyo, kung saan mahigit 72,000 katao ang tumawid sa Ceuta.
Ayon sa lokal na awtoridad, mahigit 10,000 migrants, kabilang ang mga menor de edad, ang nananatili pa rin sa mga makeshift camps at sa lansangan.
Hinihiling ng mga residente ang mas mahigpit na seguridad at agarang aksyon ng pamahalaan, habang may mga grupong nananawagan naman na igalang ang karapatan ng mga migrants.
--Ads--











