Patuloy pa ring dumarami ang mga residente na nag-aapply para sa seminar kaugnay ng pagkakabit ng kuryente sa ilalim ng programa ng pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Noemi Valdez, Branch Office Supervisor ng Isabela Electric Cooperative I (Iselco 1) Santiago Branch Office, sinabi niya na nakapagtataka ang patuloy na pagdami ng mga aplikanteng wala pang sariling metro o kontador.
Ipinaliwanag ni Valdez na malaking tulong ang programa ng pamahalaan na naglalayong mapailawan ang lahat ng kabahayan, lalo na’t libre ang metro at service drop wire para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Dahil dito, patuloy ang kanilang panawagan sa mga residente na mag-avail ng naturang programa upang magkaroon ng legal at maayos na koneksyon ng kuryente sa kanilang mga tahanan.











