--Ads--
Inaasahan ng mga bangko sa Pilipinas na mananatiling matatag ang demand para sa pautang mula sa mga negosyo at kabahayan sa ikalawang quarter ng 2026, batay sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa resulta ng Senior Bank Loan Officers’ Survey, karamihan ng mga bangko ang nakikitang hindi magbabago ang demand para sa business at household loans, habang may iilan na inaasahang tataas o bababa ito.
Ipinakita rin sa survey na nananatiling stable ang lending standards ng mga bangko, na nangangahulugang walang malaking pagbabago sa patakaran sa pagpapautang sa kabila ng mga pandaigdigang panganib.
Sa kabuuan, inaasahan ng BSP na mananatiling suportado ng pautang ang ekonomiya sa kabila ng mga umiiral na external uncertainties.
--Ads--











