--Ads--

Plano ng Chinese company na Ming Yang Smart Energy Group ang pagtatayo ng mga offshore wind turbine sa Pilipinas na idinisenyong makayanan ang matitinding bagyo upang makatulong sa pagpapatatag ng suplay ng kuryente sa bansa.

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang proyekto kasama ang mga opisyal ng kumpanya sa Shenzhen, China nitong Biyernes, sa sidelines ng APEC Summit.

Ayon sa kumpanya, may teknolohiya ang kanilang mga wind turbine na kayang makatiis sa lakas ng super typhoons na higit pa sa Category 17.

Nilagdaan din ng magkabilang panig ang isang kasunduan para sa pagtutulungan sa pagpapaunlad ng mga offshore wind energy project sa Pilipinas.

--Ads--

Kabilang sa plano ng kumpanya ang pagtatayo ng maintenance at repair center sa bansa upang mapabilis ang pagkukumpuni at matiyak ang maayos na operasyon ng mga wind turbine.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalawak ng renewable energy at pagkakaroon ng mas maaasahang suplay ng kuryente, lalo na sa panahon ng malalakas na bagyo.