--Ads--

Bumagsak ang local stock market dahil sa tumitinding pangamba sa sitwasyon sa Middle East at pag-iingat ng mga investor bago ang policy meeting ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Bumaba ng 0.98 percent o 61.15 points ang benchmark Philippine Stock Exchange index o PSEi sa 6,190.23, habang lumiit naman ng 0.65 percent ang All Shares index sa 3,412.44.

Ayon sa mga market analyst, nakaapekto sa sentiment ng mga investor ang tensyon sa pagitan ng United States at Iran, gayundin ang inaasahang 25-basis-point rate hike ng BSP.

Naging net seller din ang mga dayuhang investor na may net outflow na P542.12 milyon.

--Ads--