--Ads--

Isa nang ganap na Tropical Depression “Henry” ang low pressure area na namataan sa kanlurang bahagi ng Bataan.

huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 kilometro kanlurang timog-kanluran ng Abucay, Bataan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.


Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa timog-kanlurang bahagi ng Zambales kabilang ang San Antonio, Castillejos, Subic at Olongapo City, gayundin sa kanlurang bahagi ng Bataan na kinabibilangan ng Morong, Bagac at Mariveles, pati na rin sa Lubang Islands.

--Ads--


Inaasahang magpapatuloy ang pagkilos ng Tropical Depression Henry pahilagang-kanlurang direksyon habang papalayo sa kalupaan ng Pilipinas. Posible rin itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng umaga ng Hulyo 2.

Habang binabagtas ang West Philippine Sea, inaasahan ding unti-unting lalakas ang bagyo at maaaring umabot sa tropical storm category bago matapos ang araw bukas.

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na pamahalaan na manatiling alerto sa posibleng epekto ng malalakas na pag-ulan at hangin, kabilang ang mga lugar na wala sa loob ng forecast track ng bagyo.