CAUAYAN CITY- Hinihintay na ng Land Transportation Office Region 2 ang show cause order na ibibigay ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza sa mga driving school na nakitaan ng paglabag dahil sa basta bastang pagbibigay ng certificate of completion kahit hindi talaga dumaan sa training ang aplikante ng lisensya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Manuel Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na batay sa monitoring wala pa silang nababalitaang mga driving school sa Lambak ng Cagayan na napatawan ng show cause roder.
Aniya hindi naman masasabing madalas na makapagtala ng ganitong gawain ng mga driving school na pwedeng mauwi sa suspensyon at multa.
Natitiyak naman niya na lahat ng mga accredited driving school sa LTO Region 2 ay may mahigpit na panuntunan para maiwasan ang non-appearance .
Mas paiigtingin din ng LTO ang monitoring katuwang ang mga ex-officio members ng komite para bantayan ang operasyon ng mga driving school at LTO accredited medical clinics.