--Ads--

Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsampa ito ng kaso laban sa asawa at anak ng dating kongresista na si Mike Defensor kaugnay ng umano’y human trafficking.

Kinumpirma ito ni NBI Director na si Melvin Matibag sa isang panayam nitong Biyernes, April 24.

Ayon kay Matibag, naghain ang NBI ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act laban kina Julie Defensor at Miguel Defensor, kasama ang iba pang indibidwal, sa Tanggapan ng Piskalya ng Lungsod ng Pasig nitong Huwebes, April 23.

Batay sa imbestigasyon, lumabas na pagmamay-ari umano ng pamilya Defensor ang hotel kung saan naganap ang sinasabing sexual exploitation sa 54 na kababaihan.

--Ads--

Kamakailan, nagsagawa ng raid ang NBI sa isang disco bar sa Pasig City kung saan nasagip ang 54 na babaeng biktima. Ayon sa ulat, pinagtatrabaho umano sila bilang “customer care assistants” kapalit ng halagang nasa P10,000 hanggang P20,000, na nauuwi umano sa sexual exploitation.