Naghain na ng kanilang counter-affidavit sina Senator Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay ng plunder complaint na inihain laban sa kanila, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Biyernes.
Iniimbestigahan ang mag-ina kaugnay ng umano’y hindi natapos na mga solar energy project na nagkakahalaga ng 10.44 bilyong piso.
Ayon kay Remulla, huli man na naisumite ang counter-affidavit ng dalawa, pag-aaralan pa rin ito ng Ombudsman bilang bahagi ng kanilang karapatan sa due process.
Sinabi rin ni Remulla na maaari pa silang magkaroon ng mga katanungan kaugnay sa isinumiteng counter-affidavit, ngunit hindi pa malinaw kung nasaan ang mag-ina para masagot ang mga ito.
Batay umano sa kanilang impormasyon, nasa Paris pa sina Legarda at Leviste, bagama’t nagtungo rin ang mga ito sa Switzerland.
Mayroon umanong 60 araw ang Ombudsman para isagawa ang preliminary investigation, bago isumite sa resolusyon ang kaso.
Inihayag noong Hulyo ang plunder complaint laban sa mag-ina, na kapwa itinanggi ang anumang pagkakasangkot sa iregularidad.
Samantala, naka-extended medical leave si Legarda sa Senado dahil sa sakit na may kaugnayan sa baga.











