--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang magkapatid na supsek sa pananaksak at pagpatay sa sariling tiyuhin na isang Barangay Tanod sa Brgy. Marasat Pequeno, San Mateo Isabela.

Unang isinampa ang kasong “murder” laban kina Norman Cabang at Ceasar Cabang kapwa bente anyos at  pawang residente ng nabanggit na lugar subalit ibinaba ito sa homicide.

Matatandaan na nasawi si Marlon Anghel, limamput isang taong gulang matapos na magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napagalaman na  sinuntok umano ng magkapatid ang kanilang lola dahilan kaya’t tumawag ng tanod ang kanilang tatay para sumaklolo.

--Ads--

Agad namang rumesponde ang brgy tanod na biktima na kamag-anak din ng mga suspek ngunit sinuntok umano siya ni Norman at pinagsasaksak naman ito ng isa pang suspek gamit ang isang kutsilyo.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Nagtamo ang biktima ng dalawang saksak sa kaniyang likod, dalawa sa balikat at isa sa tagiliran.

Nag-ugat ang insidente sa pag-awat ng lola sa mga suspek na tumigil na sa pag-inom ng alak dahil lasing na ang mga ito.

Ayon umano sa mga suspek, dala lang ng kalasingan kaya nila nagawa ang krimen at labis naman ngayon ang kanilang pagsisisi.