--Ads--

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Java, Indonesia nitong Sabado, ayon sa German Research Center for Geosciences o GFZ.

Naitala ang lindol sa lalim na 376 kilometro, dahilan upang ituring itong deep-focus earthquake. Wala namang agad na naiulat na pinsala o nasawi.

Naganap ang lindol isang araw matapos ang isa pang magnitude 6.2 na pagyanig sa Banda Sea malapit sa Maluku Island nitong Biyernes.

Ayon sa Indonesia’s geophysics agency, nasa lalim na 143 kilometro ang naturang lindol at wala itong banta ng tsunami.

--Ads--

Wala rin namang agarang ulat ng pinsala mula sa pagyanig sa Banda Sea.