Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Hokkaido, Japan ngayong Lunes, ika-27 ng Abril.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez, nasa bulubunduking lugar ang Hokkaido kaya kaunti lamang ang nakatira rito na isa sa mga dahilan kung bakit walang naitalang nasaktan sa pagyanig.
Hindi rin naantala ang transport sector sa lugar. Gayunman, ayon sa ulat ng Japan Meteorological Agency, mayroong mga bato o debris na nahuhulog mula sa kabundukan kaya pinag-iingat ang publiko.
Hindi lamang aniya ang mga residente sa northern part ng Japan ang inabisuhang maging alerto kundi maging ang buong residente ng naturang bansa dahil nito lamang nakaraang linggo ay may naitala ring magnitue 7.7 na lindol sa hilagang bahagi ng Japan na nagresulta ng paglabas ng tsunami advisory.
Dahil nakapaloob sa pacific ring of fire ang Japan ay umaabot sa tinatayang 1,500 na lindola ng tumatama sa bansa sa loob ng isang taon.
Dahil dito ay handa at mabilis ang mga awtoridad sa pagtugon sa tuwing may pagyanig. Maging ang mga residente roon ay sapat nang kaalaman kung ano ang gagawin kapag may lindol.
Ilang segundo bago ang pagyanig ay nakatatanggap umano sila ng warning sa kanilang mobile devices, pagkatapos ng lindol ay mayroong nag-iikot upang kumustahin ang kalagayan ng mga residente.











