--Ads--

Arestado ang isang 48-anyos na magsasaka na matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa Barangay San Martin, Maddela, Quirino.

Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 38, Maddela, Quirino kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Maddela Police Station alinsunod sa kaukulang legal na proseso.

Ipinaalam din sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maddela Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte na nagpalabas ng kanyang warrant.