--Ads--

Arestado ang isang Chinese national matapos masamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang hinihinalang puslit na mga piyesa at aksesorya ng motorsiklo na nagkakahalaga ng mahigit P5 milyon sa isang operasyon sa Barangay Malinta, Valenzuela City.

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern District Field Unit ang operasyon sa isang establisimyento sa Marcos Street, kung saan nakumpiska ang iba’t ibang piyesa na may tinatayang kabuuang halaga na P5,020,500. Narekober din ang perang ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng CIDG Eastern District Field Unit ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.