--Ads--

Ipinagmalaki ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 ang pagiging isa sa mga rehiyon na may pinakamataas na nahuling colorum vehicles sa buong bansa, kung saan umabot sa mahigit 40 na sasakyan ang naitala sa isinagawang three-day anti-colorum operation sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Venancio Tuddao ng LTO Region 2, sinabi niyang karamihan sa mga nahuling sasakyan ay mga cargo trucks at mga passenger vans na walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ipinahayag ni Tuddao na ang mga sasakyang walang prangkisa ay karaniwang walang insurance, na obligadong mayroon kapag ang sasakyan ay for hire. Layunin ng programa na ito na ma-classify at maparusa ang mga illegal operators ng colorum vehicles.

Ayon sa LTO, ang multa para sa mga colorum vans ay P200,000, habang P20,000 naman para sa mga bus.

--Ads--