--Ads--

Aabot na sa P347.37 million ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na naitalang ng Department of Agriculture (DA) sa 6 na rehiyon sa bansa dulot ng magkakasunod na bagyo at Hanging habagat.

Sa datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, mahigit 12 libong magsasaka mula sa mahigit 10 libong ektarya ng sakahan ang naapektuhan ng bagyo, habang kabilang naman sa mga nasirang pananim ay palay, mais, at livestock.

Aabot rin sa 9,491 metric tons ng produkto ang nasira dahil sa mga pagbaha at lakas ng ulan at hangin mula sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.

Samantala, tiniyak naman ng DA na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong magsasaka tulad ng libreng mga binhi ng palay, mais at gulay.

--Ads--

Bukod pa rito ang mga gamot at biologics para sa livestock at poultry maging ang survival and recovery loan program o pautang na ₱25-thousand pesos nang walang interes mula sa Agricultural Credit Policy Council o ACPC.