FILE PHOTO: A worker shows Philippine peso bills inside a money changer in metro Manila, Philippines August 14, 2017. REUTERS/Dondi Tawatao
--Ads--

Nagbabala ang People’s Budget Coalition (PBC) na may ₱735.56 bilyon sa panukalang 2027 national budget na maaaring maging bukas sa pamumulitika at iba pang anomalya bago ang 2028 elections.

Ayon sa grupo, kabilang dito ang ₱140.07 bilyong “soft pork” para sa mga ayuda at programang maaaring magamit sa pulitika, ₱483.51 bilyong “hard pork” para sa mga proyektong imprastraktura, at ₱111.98 bilyong “shadow pork” o unprogrammed appropriations.

Sinabi ni PBC co-convenor AJ Montesa na mahalagang bantayan ang mga naturang pondo habang dumadaan sa proseso ng budget deliberations sa Kongreso.

Kabilang sa mga programang kanilang tinututukan ang AICS, TUPAD, MAIFIP, at ang ₱58.53 bilyong Local Government Support Fund (LGSF), na ayon sa grupo ay may discretionary na paglalaan ng pondo.

--Ads--

Samantala, nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian ng masusing pagsusuri sa LGSF upang matiyak ang epekto nito sa pagpapaunlad ng mga lokal na komunidad at pagbabawas ng kahirapan.