--Ads--

CAUAYAN CITY- Bahagyang tumaas ang kita ng mga Mango Growers matapos bahagyang tumaas ang presyo ng mangga sa San Mateo,Isabela.

Sa ngayon ay halos paubos na rin ang tustus ng mangga kaya karamihan sa mga buyers ay wala ng mabibili sa mga mango growers.

Mas pinipili na din umano ng mga mango growers na direktang ibenta ang kanilang inaning mangga sa mga lokal na pamilihan sapagkat mas mataas ang presyuhan kaysa sa mga umaangkat.

Sa ngayon ay naglalaro ng 40-50 pesos ang kada kila ng mangga sa San Mateo.

--Ads--

Umaasa naman ang mga mango growers sa lalawigan ng Isabela na hindi na maranasan ang oversupply ng mangga.

Matatandaan na nalugi ang ilang mga mango growers dahil sa labis labis na suplay na mangga sa lalawigan kayat ang iba sa mga ito ay ipinamahagi at itinapon na lamang.