--Ads--

Posibleng humarap sa reklamo dahil sa subornation of perjury sina detained Sen. Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor kaugnay ng umano’y pag-coach sa testimonya ng dating Marine na si Orly Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee.

Batay kay Sen. Panfilo Lacson, lumitaw umano sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagdinig ng komite na may naging paggabay si Marcoleta kay Guteza sa mga detalye na inilagay nito sa affidavit.

Kabilang dito ang mga alegasyon ni Guteza na naghatid siya ng mga maleta ng pera sa ilang opisyal, kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Lacson, maaaring magsampa ng reklamo si Romualdez laban kina Marcoleta at Defensor dahil siya ang isa sa mga personalidad na unang idinadawit sa mga alegasyon ni Guteza.

--Ads--

Maaari ring magsagawa ang Department of Justice at Office of the Ombudsman ng preliminary investigation kaugnay ng posibleng perjury laban sa mga nasa likod ng testimonya ni Guteza.

Ipinaliwanag ni Lacson na itinuturing na public offense ang perjury kaya maaaring umaksyon ang mga naturang ahensya kahit walang pribadong complainant.