--Ads--

Isang maritime drone ang sumabog sa Constanta port ng Romania nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Romanian Ministry of National Defence.

Natagpuan din ang ilang iba pang drone sa paligid ng lugar, na nagdulot ng pangamba sa patuloy na pagkalat ng epekto ng Russia-Ukraine war sa mga karatig-bansa ng NATO.

Ang drone ay self-detonated bandang 10:30am lokal na oras malapit sa isang oil terminal.

Walang naiulat na nasugatan, ngunit agad na inilikas ang port at pinayuhan ang mga residente sa baybayin ng Black Sea na magtago.

--Ads--

Ayon sa Kyiv, ang drone ay pag-aari ng Ukrainian Navy at naligaw ng ruta matapos maapektuhan ng electronic warfare systems ng Russia.

Sinabi ng Pangulong Nicusor Dan na ito na ang ikalawang security incident ngayong linggo sa Romanian seaside. Kamakailan, pinasabog ng Romanian navy ang isang Russian anti-landing mine na napadpad sa baybayin.

Noong nakaraang linggo, isang Russian drone ang bumagsak sa isang apartment building sa Romania.

Ayon kay Ursula von der Leyen, ang insidente ay “direct consequence” ng Russia-Ukraine war at banta sa mga bansang nasa silangang hangganan ng Europa.

Matatandaan na nag-iinvest ang EU sa anti-drone capabilities, air defence, at early warning systems.

Bukod sa Romania, naapektuhan din ang Azerbaijan matapos masawi ang limang mamamayan sa pag-atake sa dalawang cargo vessels sa Sea of Azov.