--Ads--

Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang mas mataas na taripa sa ilang imported na produktong karne matapos lumampas sa itinakdang dami ng pag-aangkat ang mga ito.

Sa ilalim ng Department Order No. 24, ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpapatupad ng volume-based Special Safeguard (SSG) duties sa ilang uri ng imported na karne upang maprotektahan ang mga lokal na prodyuser.

Ayon sa DA, lumampas na sa trigger volume thresholds ang mga naturang produkto kaya kinakailangan ang karagdagang taripa bilang proteksyon sa lokal na industriya ng paghahayupan.

Batay sa datos ng Bureau of Animal Industry, tumaas ng 12 porsyento ang meat imports ng bansa sa unang kalahati ng taon, mula 778,100 metriko tonelada noong nakaraang taon tungo sa 872,274 metriko tonelada ngayong

--Ads--