--Ads--

Nakaalerto na ang lahat ng pagamutan sa buong bansa matapos magtaas ng code white alert status ang Department of health ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Undersecretary ng DOH, sinabi niya na sa pamamagitan code white alert status ay naka-alerto na ang lahat ng mga Health Workers, Doktor maging ang mga kagamitan at pasilidad ng mga pagamutan sa buong bansa upang tumugon sa pangangailangang medikal ng publiko ngayong holy week.

Naka-activate na rin ang iba’t ibang fast lane sa mga hospital para sa agarang pagtugon sa mga emergencies.

Dahil sa mainit na panahon na nararanasan ngayong Semana Santa ay pinayuhan niya ang publiko na iwasang magbilad sa araw sa oras na alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang maiwasan ang mga heat-related illnessess gaya ng heat stroke.

--Ads--

Umiwas din aniya sa mga matataong lugar, tiyaking well-ventilated ang mga pinamamalagiang lugar at ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig.