--Ads--

Nalungkot ang mga Pinoy fans sa Candon Arena matapos lasapin ng Alas Pilipinas ang unang kabiguan laban sa Australia sa 2026 AVC Women’s Cup.

Bagamat umiskor ng 23 puntos si Alyssa Solomon, kasama ang tulong nina Nina Ytang (13 pts) at Alyssa Valdez (11 pts), kinapos pa rin ang bansa nang dominahin ng Australia ang huling bahagi ng laban at itakbo ang panalo sa loob ng limang sets.

Proud pa rin si Solomon sa laban ng koponan. Upang mapanatili ang tsansang umabante sa susunod na round, krusyal para sa Alas Pilipinas na makuha ang mga sunod na panalo simula sa salpukan nila laban sa Kyrgyzstan ngayong araw.