--Ads--

Kinilala ng World Health Organization ang mga pagsisikap ng Pilipinas sa pagpapalakas ng global health workforce at sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mundo laban sa pagkalat ng mga virus, ayon sa Department of Health nitong Linggo.

Ayon sa DOH, binigyang-diin ni Health Secretary Ted Herbosa na patuloy na binabalanse ng ahensya ang pagsuporta sa ibang bansa habang tinutugunan ang pangangailangan ng sistemang pangkalusugan sa Pilipinas.

Sinabi ng DOH na ang mga Pilipinong health worker ay kinikilala dahil sa kanilang clinical competence, cultural adaptability, at mataas na pamantayan sa serbisyong medikal na hinahanap din ng ibang bansa.

Ayon sa ahensya, mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang inisyatiba upang mapalakas ang pandaigdigang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit.

--Ads--