--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga inabandonang nilagareng kahoy sa Rogus, Cauayan City.

Natanggap ng Cauayan City Police Station ang impormasyon mula sa isang concerned citizen na may mga tabla na iniwan sa isang plantasyon ng saging sa nasabing barangay.

Nagtungo sa lugar ang ilang kasapi ng Cauayan City Police Station, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC), Regional Civil Security Group 2, Regional Intelligence Unit 2, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at narekober ang umaabot sa 1,000 board  feet ng mga  nilagareng kahoy na may halagang halos Php 60,000.

Dinala ang mga narekober na nilagareng kahoy sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

--Ads--

Ayon sa Cauayan City Police Station, tinatayang nasa tatlong araw na sa lugar ang mga kahoy at maaaring sinadyang iniwan ang mga hindi magandang parte ng mga nilagareng kahoy.

Ayon naman sa mga opisyal ng barangay, wala silang namomonitor na nagsasagawa ng iligal na pamumutol ng mga kahoy sa kanilang lugar.