--Ads--

Ipinag-utos ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang abogado na bawiin na ang mga kasong isinampa laban sa apat na dating sundalo matapos iurong ng mga ito ang kanilang mga naunang affidavit at alegasyon laban sa kanya, sa International Criminal Court (ICC), at iba pang personalidad.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Trillanes na bilang isang dating sundalo, nauunawaan niya ang kalagayan ng apat na dating military personnel na aniya’y napagsamantalahan dahil sa kanilang kakapusan sa kabuhayan ng mga taong may umano’y layuning pampulitika.

Ayon pa kay Trillanes, umaasa siyang nagsilbing aral sa mga dating sundalo ang nangyari at mabigat na karanasang kanilang pinagdaanan.

Hinimok din niya ang iba pang dating sundalo na maging mapanuri at huwag magpalinlang sa mga taong may pansariling interes.

--Ads--

Matatandaang binawi ng apat na dating sundalo ang kanilang mga naunang salaysay at alegasyon na nag-uugnay kay Trillanes at iba pang personalidad sa ilang kontrobersyal na usapin.