--Ads--

CAUAYAN CITY- Naghahada na ang militar para sa mga aktibidad ngayong Pasko at Bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPAO Chief Lt.Col. Melvin Asuncion sinabi niya na abala na sila sa paghahanda para sa kapaskuhan maging sa nalalapit na anibersaryo ng New People’s Army sa December 26,2024.

Ito ay upang matiyak na magiging maayos at payapa ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Bahagi ng knailang mandato ay bantayan ang mga lugar kung saan may malalakihang pagtitipon.

--Ads--

Napapanahon din aniya ang kapaskuhan para hikayatin ang nalalabing miyembro ng NPA para bumaba na at makasama na ang kanilang Pamilya.

Sa katunayan niya maraming dating rebelde na ang nagbalik loob na bunga ng masigasig na hakbang ng Pamahalaan para matulungan ang mga miyembro ng NPA na nanatili parin sa armadong pakikibaka.