Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang pasahero na nasugatan sa bangaan ng pampasaherong jeep at SUV sa Tallungan, Reina Mercedes nitong araw ng Huwebes habang nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang dalawang driver na sangkot sa insidente.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Danilo Malab, hepe ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niya na batay sa inisyal na pagsisiyasat, nakita umano ng mga imbestigador na may pagkukulang sa panig ng SUV matapos itong bahagyang umagaw ng linya at pumasok sa kabilang lane na binabagtas ng jeep na naging sanhi ng banggaan.
Gayunpaman, maaaring human error umano sanhi nito dahil senior citizen na rin ang nagmamaneho ng SUV.
Samantala, nilinaw naman ni PMaj. Malab na walang nakarating sa reklamo sa kanilang himpilan kaugnay sa mga nawalang gamit ng mga pasahero na sangkot sa aksidente kaugnay sa mga posts sa social media na nawalan umano ng gamit ang ilan sa mga ito.











