--Ads--
Hindi umano pinapansin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee (MMD) ang kanyang mga bashers habang patuloy ang kanyang music career.
Inilabas niya ang bagong single na Makatanong, isang R&B-pop song na tungkol sa pagdededma sa panghuhusga ng iba at pagpapalakas ng self-empowerment ng kababaihan. Si Michelle mismo ang sumulat ng kanta.
Nauna na rin niyang inilabas ang single na Reyna noong nakaraang taon, na pumasok sa Spotify Philippines Viral Songs Chart Top 5 at umabot sa mahigit dalawang milyong streams.
Kasabay ng kanyang ika-31 kaarawan noong April 24, ipinakita rin niya ang music video ng Makatanong at nagpaalala na hindi dapat inuubos ang enerhiya sa opinyon ng iba.
--Ads--









