--Ads--

Inanunsyo ni Taylor Swift ang bago niyang single na Patient Zero, na nakatakdang ilabas sa Setyembre 25.

Ito ang unang standalone single ni Swift sa loob ng pitong taon, matapos ang Christmas Tree Farm noong 2019.

Ang kanta ang unang bagong release niya matapos ang kanyang pinakabagong album na The Life of a Showgirl noong 2025, habang hindi pa malinaw kung bahagi ito ng panibagong album.

Hindi pa malinaw kung magiging bahagi ng bagong album ang Patient Zero, bagama’t may mga elements na nag-uugnay rito sa The Life of a Showgirl.

--Ads--

Kasunod din ito ng pagkakatalaga kay Swift bilang unang tatanggap ng Artist Director Honor sa MTV Video Music Awards ngayong taon.