--Ads--
Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamo ng dating driver ni Rhian Ramos na si Bonifacio “Totoy” Baro laban kina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio kaugnay ng umano’y illegal detention, pananakit at maltreatment.
Sa reklamo, sinabi ni Baro na hindi umano siya pinayagang umalis sa isang condominium unit hanggang sa maisuko ang nawawalang sensitibong mga litrato.
Malugod namang tinanggap ng kampo ni Michelle Dee ang dismissal at iginiit na walang merito ang reklamo.
Samantala, sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na kokontrahin nila ang desisyon at susuportahan si Baro sa paghahain ng Motion for Reconsideration.
--Ads--










